تَبَّتْ يَدَا أَبِي لَهَبٍ وَتَبَّ
Napahamak ang dalawang kamay ni Abū Lahab at napahamak siya!
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
تَبَّتْ يَدَا أَبِي لَهَبٍ وَتَبَّ
Napahamak ang dalawang kamay ni Abū Lahab at napahamak siya!
مَا أَغْنَىٰ عَنْهُ مَالُهُ وَمَا كَسَبَ
Hindi nakapagdulot para sa kanya ang yaman niya at ang anumang nakamit niya.
سَيَصْلَىٰ نَارًا ذَاتَ لَهَبٍ
Masusunog siya sa isang Apoy na may lagablab
وَامْرَأَتُهُ حَمَّالَةَ الْحَطَبِ
at ang maybahay niya [rin], na tagapasan ng kahoy na panggatong,
فِي جِيدِهَا حَبْلٌ مِنْ مَسَدٍ
habang sa leeg nito ay may tali mula sa linubid na himaymay.