The Fig · at-Tin · سورة التين · 8 ayahs

بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ

Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.

وَالتِّينِ وَالزَّيْتُونِ

Sumpa man sa igos at oliba,

وَطُورِ سِينِينَ

sumpa man sa kabundukan ng Sinai,

وَهَٰذَا الْبَلَدِ الْأَمِينِ

sumpa man sa matiwasay na bayang ito;

لَقَدْ خَلَقْنَا الْإِنْسَانَ فِي أَحْسَنِ تَقْوِيمٍ

talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pinakamagandang paghuhubog.

ثُمَّ رَدَدْنَاهُ أَسْفَلَ سَافِلِينَ

Pagkatapos nagpanauli Kami sa kanya sa pinakamababa sa mga mababa,

إِلَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فَلَهُمْ أَجْرٌ غَيْرُ مَمْنُونٍ

maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sapagkat ukol sa kanila [sa Paraiso] ay isang pabuyang hindi matitigil.

فَمَا يُكَذِّبُكَ بَعْدُ بِالدِّينِ

Kaya ano ang nagpapasinungaling sa iyo, matapos nito, sa [Araw ng] Pagtutumbas?

أَلَيْسَ اللَّهُ بِأَحْكَمِ الْحَاكِمِينَ

Hindi ba si Allāh ay ang pinakahukom ng mga hukom?