The Elephant · al-Fil · سورة الفيل · 5 ayahs

بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ

Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.

أَلَمْ تَرَ كَيْفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِأَصْحَابِ الْفِيلِ

Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa mga kasamahan ng elepante?

أَلَمْ يَجْعَلْ كَيْدَهُمْ فِي تَضْلِيلٍ

Hindi ba Siya gumawa sa panlalansi nila [para wasakin ang Ka`bah, na mauwi] sa isang pagkawala?

وَأَرْسَلَ عَلَيْهِمْ طَيْرًا أَبَابِيلَ

Nagsugo Siya sa kanila ng mga ibon na kawan-kawan,

تَرْمِيهِمْ بِحِجَارَةٍ مِنْ سِجِّيلٍ

na nagpupukol sa kanila ng mga batong mula sa luwad na nanigas.

فَجَعَلَهُمْ كَعَصْفٍ مَأْكُولٍ

Kaya gumawa Siya sa kanila gaya ng uhay na kinainan.