1Tunay na Kami ay nagsugo kay Noe sa mga kababayan niya, na [nagsasabi]: “Magbabala ka sa mga kababayan mo bago pa may pumunta sa kanila na isang pagdurusang masakit.”
٢قَالَ يَا قَوْمِ إِنِّي لَكُمْ نَذِيرٌ مُبِينٌ
2Nagsabi siya: “O mga kababayan ko, tunay na ako para sa inyo ay isang mapagbabalang malinaw:
٣أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَاتَّقُوهُ وَأَطِيعُونِ
3na sumamba kayo kay Allāh, mangilag kayong magkasala sa Kanya, at tumalima kayo sa akin;
4magpapatawad Siya sa inyo ng ilan sa mga pagkakasala ninyo at mag-aantala Siya sa inyo hanggang sa isang taning na tinukoy. Tunay na ang taning ni Allāh, kapag dumating, ay hindi inaantala, kung sakaling kayo ay nakaaalam.”
7Tunay na sa tuwing nag-anyaya ako sa kanila upang magpatawad Ka sa kanila ay naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila, nagtatalukbong sila ng mga damit nila, nagpupumilit sila, at nagmamalaki sila nang isang pagmamalaki.
٨ثُمَّ إِنِّي دَعَوْتُهُمْ جِهَارًا
8Pagkatapos tunay na ako ay nag-anyaya sa kanila nang lantaran.
21Nagsabi si Noe: “Panginoon ko, tunay na sila ay sumuway sa akin at sumunod sa [taong] walang naidagdag sa kanya ang yaman niya at ang anak niya kundi isang pagkalugi.
٢٢وَمَكَرُوا مَكْرًا كُبَّارًا
22Nagpakana sila [na mga pinuno] ng isang pakanang pagkalaki-laki.
23Nagsabi sila: ‘Huwag nga kayong mag-iwan sa mga diyos ninyo at huwag nga kayong mag-iwan kay Wadd, ni kay Suwā`, ni kay Yaghūth, ni kay Ya`ūq, ni kay Nasr.’
25Dahil sa mga kamalian nila, pinalunod sila saka pinapasok sila sa isang Apoy, saka hindi sila nakatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng mga tagaadya.
27Tunay na kung mag-iiwan Ka sa kanila, magliligaw sila sa mga lingkod Mo at hindi sila magkakaanak kundi ng masamang-loob na palatangging sumampalataya.
28Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, sa sinumang pumasok sa bahay ko bilang mananampalataya, sa mga lalaking mananampalataya, at sa mga babaing mananampalataya. Huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan kundi ng isang pagkapahamak.”