1Sabihin mo [O Propeta Muḥammad]: “Ikinasi sa akin na may nakinig [sa Qur’am] na isang pangkat ng jinn at nagsabi sila: ‘Tunay na kami ay nakarinig ng isang pagbigkas na kahanga-hanga.
6Na noon ay may mga [hamak na] lalaki ng tao na nagpapakupkop sa mga lalaki ng jinn [na demonyo], kaya dumagdag ang mga ito sa kanila ng isang kabigatan.
9Na kami dati ay umuupo mula roon sa mga mauupuan para sa pakikinig ngunit ang sinumang makikinig ngayon ay makakatagpo para sa kanya ng isang bulalakaw na nakatambang.
12Na kami ay nakatiyak na hindi kami makapagpapawalang-kakayahan kay Allāh sa lupa at hindi kami makapagpapawalang-kakayahan sa Kanya sa isang pagtakas.
13Na kami, noong nakarinig kami sa patnubay [ng Qur’ān], ay sumampalataya rito; saka ang sinumang sumasampalataya sa Panginoon niya ay hindi mangangamba sa isang pagpapakulang ni isang kabigatan.
14Na kami, kabilang sa amin ang mga Muslim [na nagpasakop kay Allāh] at kabilang sa amin ang mga tagalihis; saka ang sinumang nagpasakop, ang mga iyon ay sumadya sa isang paggabay.
22Sabihin mo: “Tunay na ako ay hindi kakalingain laban kay Allāh ng isa man [kung susuway ako sa Kanya] at hindi makatatagpo bukod pa sa Kanya ng isang madadaupan,
23ngunit [makapagdudulot ako] ng isang pagpapaabot [ng katotohanan] mula kay Allāh at mga pasugo Niya.” Ang mga sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay tunay na ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon magpakailanman;
24hanggang sa nang nakita nila [na mga tagatangging sumampalataya] ang ipinangako sa kanila ay makaaalam sila kung sino ang higit na mahina sa tagapag-adya at higit na kaunti sa bilang.
27maliban sa sinumang kinalugdan Niya na isang sugo sapagkat tunay na Siya ay nagpapatahak mula sa harapan nito at mula sa likuran nito ng [mga anghel na nakatambang
28upang makaalam [ang Sugong] ito na nagpaabot nga sila ng mga pasugo ng Panginoon nila. Pumaligid Siya sa anumang taglay nila at nag-isa-isa Siya sa bawat bagay sa bilang.